Martes, Marso 20, 2012

mission


  • Individual commitment to this group its effort ,understanding,sharing moments for fun that what makes a good team-up for,a society and a civilization"...




     This is the new home for all Dabawenyos who are longing and trying to cope homesickness from their loved ones, family, childhood friend's memories, fellow countrymen and for those who are away from home to make do of livings or for those who are simply looking to make new friends!Everybody is welcome to this group....We hoping this Group would also grow to become a source of warmth and comfort to all other sojourners or travelers, who have for one
    reason or another left home in search for a better tomorrow.... 













      AYOKO NA!

    REASONS WHY MEN BREAK UP WITH WOMEN


    Maraming kadahilanan kung bakit ang isang pagmamahalan ay nauuwi sa hiwalayan. Kadalasan nag sisimula sa maliliit na pagtatalo hanggang sa palaging nangyayari at mauwi sa kawalan ng respeto sa pagkatao ng bawat-isa. Kung tatanungin mo ang bawat isa, may kanya-kanyang katwiran at dahilan. Ganun pa man, isa lang ang madalas na kinahihinatnan. Ang paghihiwalay.


    Bilang isang kabilang sa lahi ni Adan, maaari ko sigurong ihayag ang mga kadahilanan kung bakit ang isang katulad ko ay nagagawang makipag hiwalay sa babaeng minahal ko.


    1.Hindi marunong makinig ang Babae. Madalas pagsimulan ng away kapag sa isang pagtatalo ay ang babae hindi pinagbibigyan ng pagkakataon ang lalaki na magsalita. Hindi ko sinasabing lagi kaming tama ngunit ang nais lang namin ay mapakingan kung ano ang nais naming sabihin.

    2.Ang masyadong pakikinig ng babae sa kanyang mga kaibigan. Ang relasyon ay karaniwang dinadala ng lalaki, ang labis na pakikinig ng babae sa kanyang mga kaibigan lalo na kung ito ay hindi nakakatulong upang lalong tumatag ang pagsasama ay nagdudulot sa lalaki ng insecurity.

    3.Ang sobrang pakikialam ng magulang ng babae sa relasyon. Kaya nga nagkaroon ng “BIYENANG KONTRABIDA”.

    4.Ang pagiging buntot o anino ng babae. “Hindi tayo kambal tuko, hindi kailangang kung nasaan ka ay dapat naroon din ako. Hindi kailangang kung nasaan ako ay dapat kasama kita “ ang madalas sabihin ng lalaki kapag sila ay nagtatalo tungkol dito. Oo nga naman mga iniibig naming kababaihan, huwag naman tayong mag pangap na yaya ng mga lalaki. Sumama tayo sa pagkakataong tayo ay hiniling na sumama, marapatin natin na bigyan ng tiwala ang ating mga kabiyak upang sila mismo ay maging responsable sa kanilang mga ginagawa.

    5.Ang pagkakaroon ng TIME CARD. Iyan ang pinaka-ayaw ng isang lalaki. Ang laging inoorasan sa pag uwi, ang laging tinatanong kung saan galing, ang laging hinahanapan ng dahilan ang bawat ginagawa. Ayaw ko ng palawigin pa, marahil alam nyo na yan kung ano.

    6.Ang pagiging Independent ng babae ay maganda - huwag naman sobra. Simple lang kung bakit, EGO ng lalaki natata

    7.Ang pagiging dependent masyado ng babae. Kahit sino kung lagi kang umaasa, kahit kanino... kahit na sayo mismo mangyari, iiwanan mo ang PARASITE.

    8.Kung wala ka ng magandang sasabihin, siguro huwag ka na lang magsalita. In-short, yung babae eh pintasera at mabunganga.

    9.Yung paulit-ulit na binabalikan ang mga pagkakamaling nagawa. Aba... kung ang babae ay parang sirang plaka, siguro pirated nakuha mo... di ba kapag tumatalon na palagi eh pinapalitan na.

    10.Kontrabida sa mga kaibigan. Hays... lasing na yata ako bago ko natapos ito, kung ang babae ay kontrabida sa mga kaibigan ng isang lalaki, sa tingin nyo ba eh ipagtatanggol ka o papaalalahanan ng mga kaibigan nya ang BF/Asawa mo kapag siya ay may ginagawang kalokohan? Ang sagot ko ay HINDI!


    eto ay kathang isip ko lang lahat!!!
    Admin1Tribu